govseal.png

GOVPH

DTI | Mamimiling Maalam

DTI | Mamimiling Maalam

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF TRADE & INDUSTRY

Camarines Norte Provincial Office

”Certified Mamimiling Maalam’ Session isinagawa ng DTI-Camarines Norte

LABO, CAMARINES NORTE – Bilang pakikiisa ng DTI – Camarines Norte sa Kick-Off Program ng Brigada Eskwela ngayong taon, ang Consumer Protection Division ng ahensiya ay nagsagawa ng Consumer Education Session na may temang: ‘Certified Mamimiling Maalam’.

Ang sesyon ay naglalayong paigtingin ang kamalayan ng mga mamimili sa kanilang karapatan at responsibilidad, itaguyod ang kanilang kapakanan at kaligtasan, at hikayatin ang pagbabantay sa pagsunod sa regulasyon ng negosyo sa loob ng komunidad na kanilang kinabibilangan.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga guro at magulang sa Talobatib High School noong 09 Hunyo 2025.

#iamDTIph | #dtiCN_IEC2025

Facebook
Twitter
Email