Para sa paghahanda sa 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗖𝗪𝗠 ‘𝗣𝗮𝗹𝗶𝗴𝗦𝗔𝗬𝗔𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗺𝗶𝗺𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺,’, narito ang mga dapat gawin:
- Maghanda ng Group Yell (hindi lalampas sa isang minuto) para ipakilala ang inyong Team na ayon sa temang: “Bida ang Konsyumer sa Bagong Pilipinas”
- Sa mismong araw ng PaligSAYAhan ay magsuot ng color coded o outfit themed attire ng grupo na akma para sa ligtas at kumportableng pagsali sa mga pisikal na paligSAYAhan (t-shirts/sweatshirts, jogging pants/running shorts and rubber shoes). Magdala din ng extra t-shirts, towel at inuming tubig. Hinihikayat din ang pagdala ng sombrero o payong bilang proteksyon sa init o ulan.
- Mag-assign ng isang miyembro ng grupo na magdadala ng cellphone na may camera at may mobile data o internet connection. I-download na rin ang ICC Sticker Verification System Mobile Application.
Magkita-kita tayo sa fun-filled kick-off celebration ng Consumer Welfare Month ngayong 01 October 2025, 1:00 pm sa 2nd Floor ng Daet Public Market.