govseal.png

GOVPH

DTI | Mamimiling Maalam

DTI | Mamimiling Maalam

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF TRADE & INDUSTRY

Camarines Norte Provincial Office

Paghahanda para sa 2026 ‘PaligSAYAhan ng Mamimiling Maalam’

Para sa paghahanda ng mga kalahok sa 2026 ‘PaligSAYAhan ng Mamimiling Maalam,’ narito ang mga dapat gawin:

 

  1. Maghanda ng Group Yell na hindi lalampas sa isang minuto para ipakilala ang inyong Team na ayon sa temang: “Ligtas na Produkto, Panatag na Mamimili”

 

  1. Sa mismong araw ng PaligSAYAhan, ang team ay dapat magsuot ng color-coded o outfit-themed attire para sa pagkakakilanlan ng kanilang grupo na angkop sa ligtas at kumportableng paglalaro sa mga pisikal na paligSAYAhan (t-shirts/sweatshirts, jogging pants/running shorts and rubber shoes). Ang bawat kalahok ay hinihikayat na magdala ng kanilang extra t-shirts, towel at inuming tubig.

 

  1. Ang bawat miyembro ng grupo ay dapat magdala ng kanilang smartphone (mobile phone with camera) na may mobile data o internet connection na gagamitin sa huling hamon ng PaligSAYAhan. I-download na rin agad ang ICC Verification Mobile Application sa bawat smartphone na gagamitin. Narito ang link sa pag-download: https://bps.dti.gov.ph/product-certification/icc-verification-mobile-app 

 

Magkita-kita tayo sa isang fun-filled kick-off celebration ng Consumer Welfare Month hatid sa inyo ng DTI Camarines Norte katuwang ang Provincial Government of Camarines Norte ngayong 01 October 2026, 1:00 pm sa SM City Daet Event Center.

Facebook
Twitter
Email

Help Us Improve Our Website

We Value Your Feedback
Your experience matters to us. We are committed to providing accessible, reliable, and user-friendly DTI online services. Please take a few moments to share your feedback and help us improve our website.