“Ang pagsusukli nang kulang sa isang mamimili, kahit pa maliit na halaga lang, ay gawaing ipinagbabawal.”
Ito ay ayon sa Section 1, Rule V ng Department Administrative Order No. 16-03, Series of 2016, ang Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 10909 o ang “No Shortchanging Act of 2016”.
Isinasaad din dito na, “Ang kakulangan ng panukli ay hindi dapat ipakahulugang pinipigilan nito ang isang establisimyento na magbigay ng halagang mas malaki kaysa sa tamang sukli.”
Ayon pa sa batas na nabanggit, ipinagbabawal din ang “Pagsusukli nang anumang anyo maliban sa kasalukuyang pera” o ang “Paghingi sa mga mamimili ng pahintulot na hindi sundin ang mga probisyon ng batas sa anumang kadahilanan, kasama na ang kakulangan ng panukli o barya.”
Gayundin naman, ayon na Section 2, Rule IV ng parehong kautusan, ang mga mamimili ay may tungkuling “Siguraduhin na matatanggap ang eksaktong halaga ng sukli kaagad pagkatapos ng bawat transaksyon.”
Binabanggit din dito na “Maaring i-ulat ng mamimili sa consumer welfare desk ng establisimyento ang lahat ng pagkakataon ng pagsusukli nang kulang para sa agarang aksyon o remedyo, o sumulat at magsumite ng liham ng reklamo sa DTI nang hindi lalampas sa sampung (10) araw ng trabaho matapos maganap ang paglabag. Sa unang sitwasyon, hindi nito maaantala o mapapatigil ang pagtakbo ng itinakdang panahon.”
#MamimilingMaalamMoment | #iamDTIph | #dtiCN_IEC2025
Source: DAO No. 16-03, Series of 2016
Rule IV – Duties of the Parties
Section 2. Consumers. – It shall be the duty of the consumers to:
2.1 Ensure exact amount of change is received immediately after every transaction;
2.2 The consumer may report to the business establishment’s consumer welfare desk all instances of shortchanging for immediate action/remedy or write and submit a letter of complaint to the DTI not later than ten (10) working days after a violation has been committed. In case of the former, it shall not toll the running of the reglementary period.
Rule V – Prohibited Acts
Section 1. Prohibitions. – The following practices of business establishments shall be Prohibited:
1.1 Shortchanging a consumer, even if such change is only of a small amount. Shortchanging is not to be construed as restricting a business establishment from giving an amount greater than the sufficient change.
1.2 Changing in any form other than the present currency.
1.3 Asking the consumers for permission to be exempted from the provisions of this Act and its IRR for any reason, including the non-availability of small bills or coins without prejudice to Section 1.1 above.