“Hindi dapat ibenta ang mga produkto sa presyong mas mataas kaysa sa nakasaad sa price tag nito, at nang walang diskriminasyon sa lahat ng mamimili.”
Ayon sa Article 81 ng Consumer Act of the Philippines (RA 7394), “Hindi dapat ibenta ang mga produkto sa presyong mas mataas kaysa sa nakasaad sa price tag nito, at nang walang diskriminasyon sa lahat ng mamimili.”
Kaya bilang konsyumer, karapatan natin na bayaran lamang ang kung anong nakalagay sa price tag ng produkto.
Ayon pa sa batas na nabanggit, “Walang sinuman ang dapat mag-alok ng consumer product para sa tingiang pagbebenta sa publiko nang walang naaangkop na price tag, label, o marka na nakadetalye sa publiko upang ipahiwatig ang presyo ng bawat produkto.”
Sa madaling sabi, ang paglagay ng price tag ay kinakailangan.
Gayundin naman, tungkulin nating ipaabot ang price discrepancy sa tindera o manager upang magawan ng aksyon. Kung hindi pa rin ito ayusin ng tindahan, maaaring maghain ng pormal na reklamo sa Department of Trade and Industry (DTI). Mahalagang mayroong kopya ng resibo at, kung posible, ang litrato ng price tag bilang ebidensya.
#iamDTIph | #dtiCN_IEC2025 | #MamimilingMaalamMoment
Source: RA 7394, Article 81. Price Tag Requirement. — It shall be unlawful to offer any consumer product for retail sale to the public without an appropriate price tag, label or marking publicly displayed to indicate the price of each article and said products shall not be sold at a price higher than that stated therein and without discrimination to all buyers: Provided, That lumber sold, displayed or offered for sale to the public shall be tagged or labeled by indicating thereon the price and the corresponding official name of the wood: Provided, further, That if consumer products for sale are too small or the nature of which makes it impractical to place a price tag thereon price list placed at the nearest point where the products are displayed indicating the retail price of the same may suffice.