‘KONSYUMER, i-ACT mo!’ Social Media Consumer Advocacy Contest
Sa loob ng isang minuto, i-act mo ang karapatan mo bilang Konsyumer at manalo hanggang sampung libo!
Ang DTI Camarines Norte ay may objective na mapataas ang awareness ng mga Konsyumer patungkol sa mga batas na nagpo-protekta sa kanilang mga Karapatan.
At ang pag-gawa ng short online videos, gamit ang confidence, talent at skills niyo, ay isa sa pinaka-ideal at trending na paraan para ma-attain ito. Kaya sa sinumang interesado, sali na at manalo ng hanggang sampung libo.
Qualifications
Ang contest ay open sa lahat ng residente ng Camarines Norte. Ang isang individual o grupo ay maaaring mag-submit ng video entries sa kahit na alinman sa 5 topics with given scripted dialogues (click to access the script):
1. PITONG RED FLAGS SA PAMIMILI! (Forms of Deceptive Sales Act and Practices)
2. MAGING MAPANURI PARA ‘DI MAGKAMALI! (Exception of Warranty)
3. KARAPATAN MO, IPAGLABAN MO! (Remedy of Return and Exchange Policy)
4. NGAYON, ALAM MO NA! (Is the condition ‘Sale items are non-refundable’ allowed?)
5. MAMIMILI, MALAYA KANG MAMILI! (Payment Options of Consumers and Posting of Payment Options)
Submission
1. I-like and follow ang DTI Camarines Norte Facebook page
2. Gumawa ng videos ayon sa mga sumusunod na specifications: Maximum of one-minute duration, MP4 Format, Landscape Orientation, 720p minimum resolution, use of original / licensed / in public domain photos/footages/music.
Ang video entries ay hindi dapat magpakita ng sinumang political figure/ celebrity o anumang pangalan ng negosyo o brand ng produkto.
3. I-upload ang video entry sa loob ng March 4-15, 2024 sa iyong personal Facebook account na nakasaad ang Title ng napiling topic (UPPERCASE LETTERS), gamit ang hashtag na #Konsyumer_iAct_mo! at naka-mention ang DTI Camarines Norte FB Page base sa format na ito:
<TITLE OF CHOSEN TOPIC>
#Konsyumer_iAct_mo!
Social Media Consumer Advocacy Contest
By @DTI Camarines Norte
Kung more than one ang iyong entries, i-upload individually ang videos gamit din ang prescribed caption format.
4. Right after mag-upload, sagutan ang Online Form para sa official registration ng bawat entry per chosen topic ng contestant.
Failure to accomplish the online registration for each entry will automatically disqualify the uploaded video.
5. I-send ng kumpleto at isahan ang mga requirements via email sa r05.camarinesnorte@dti.gov.ph cc: cpd.dticnpo@gmail.com na may subject na ‘Konsyumer, i-Act mo!’ Entry (Attachments: link/s ng downloadable video entry/ies nasa google drive, valid government-issued ID ng contestant na may residence address, at screen capture ng DTI Camarines Norte FB Page liking).
Ang participants na below 18 years old ay dapat magsubmit ng Formal Parent’s Consent.
Criteria
30% – Artistic Expression
30% – Creative Production
30% – Audio and Video Quality
10% – Viewers Reactions
Awards
Ang winners ay ia-announce sa DTI Camarines Norte Facebook Page at makakatanggap ng Php2,000.00 each winner para sa limang topics.
Other Provisions
By joining this contest, the participants agree:
1. That their personal information may be released to the public for purposes of announcing the contest winners.
2. To secure a formal consent from concerned parties if the entry contains any material or element that is not the contestant’s property, or if any person appears in the entry.
3. To release and discharge DTI and its officials and employees from any claims, losses or damages arising from their participation.
4. With the mechanics of this contest and all the provisions provided.
DTI shall:
1. Have the exclusive rights to use the submitted entries in its consumer advocacy initiatives.
2. Have no responsibility for any transmission delay or internet connection problem during the submission of entries and for the contestant’s inability to secure necessary permission or consent for their submitted entries.
3. Have the right to verify the validity of any details about the contestants and to disqualify submitted entries that is not in accordance with the contest rules.